Matagumpay ang isinagawang Kalayaan Job Fair ng Department of Labor and Employment sa Rehiyon Uno kasabay ng paggunita sa ika-125th na taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas kahapon, ika-12 ng Hunyo.
Base sa nakalap na datos ng IFM Dagupan sa DOLE Region 1, pumalo sa 760 na mga aplikante ang na-hire on the spot o katumbas ng nasa 25.72% sa kabuuang bilang ng mga aplikante na nasa 2, 995 job seekers ang nakiisa sa naturang Kalayaan Job Fair ngayon taon.
Sa nasabing bilang ng HOTS sa rehiyon, nakapagtala ang lalawigan ng Pangasinan na may pinakamataas na HOTS na may bilang na 440, sinundan ito ng Ilocos Sur na may 163 na HOTS, 102 HOTS naman ang Ilocos Norte at 55 sa La Union.
Sa Kalayaan Job Fair na ito, nakiisa ang nasa 225 employers mula sa Local at Overseas kung saan nasa 28, 571 ang dala nilang mga alok na trabaho sa mga aplikante.
Samantala, pumangalawa ang Rehiyon Uno sa may pinakamataas na bilang ng Hired On the Spot na aplikante kung saan nanguna ang NCR na may na HOTS na nasa 901, nasa pangatlong pwesto naman ang Region III na may 283 hired on the spot applicants.
Base pa rin sa datos, nasa pangatlong pwesto ang Rehiyon Uno na may pinakamataas na jobseekers sa bilang na 2, 995 aplikante.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Supervising Labor and Employment Officer ng DOLE R1 Agnes Aguinaldo, masasabi niya na medyo maliit ang bilang ngayon ng mga na-hire on the spot dahil sa dami ngayon ng mga alok na trabaho ng mga employers.
Gayunpaman, nagpapasalamat ito sa mga aplikante dahil hindi nagpatinag ang mga ito sa lakas ng ulan kahapon kasabay ng naturang job fair. |ifmnews
Facebook Comments