7,686 families, inilikas sa Quezon dahil sa Bagyong Ulysses

Umabot na sa higit 7,000 pamilya ang inilikas sa Quezon Province dahil sa banta ng Bagyong Ulysses.

Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na pinamumunan ni Governor Danilo Suarez, nasa 7,686 na pamilya ang inilikas kasabay ng pagpapatupad ng pre-emptive evacuation.

Ang mga evacuees ay mula sa mga bayan ng Lopez, Tagkawayan, Calauag, San Andres, San Narciso, General Luna, Burdeus, Macalelon, at Polillo Island.


Inatasan na rin ang PDRRMC na ihanda ang relief goods at recue teams.

Nagkaroon na rin ng pagbaha sa ilang palayan sa ilang barangay sa Tagkawayan at Lopez.

Facebook Comments