77 BARANGAY SA BAYAMBANG, NAKINABANG SA LIBRENG CHARGING STATIONS

Nagamit ng lahat ng 77 barangay sa Bayambang ang mga inilagay na libreng charging stations sa Event Center matapos ang malawakang power outage dulot ng bagyong Uwan.

Bawat barangay ay may generator set na bahagi ng disaster preparedness program ng bayan, na agad nagbigay ng kuryente sa mga charging stations.

Nakapag-charge ang mga residente ng kanilang cellphones, flashlight, radyo, at iba pang medical device, mga pangunahing kagamitan sa komunikasyon at kaligtasan.

Mananatiling bukas ang mga libreng charging stations habang tuloy-tuloy ang pagsasaayos ng mga linya ng kuryente sa bayan.

Facebook Comments