Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano na mayroong panibagong 77 frontliners ang tinamaan ng COVID-19 sa Lungsod.
Ayon sa alkalde, mula sa 77 frontliners na dinapuan ng nasabing virus, 67 sa mga ito ay mga health workers.
Gayunman, inaalagaan aniya nila ang mga nagpostibong health workers ng Lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na atensyong medical sa kanilang isolation facility.
Regular din aniya nilang isinasailalim sa swab test ang mga ito, may sapat na araw ng pag-quarantine at binibigyan ng sapat na araw para makapag pahinga.
Sa kasalukuyan, mayroong 773 active cases ang Tuguegarao City at sumasailalim na rin sa Enhanced Community Quarantine ang buong Lungsod na magtatapos sa Ika-21 ng Agosto.