77 Marijuana Bricks na Inabandona ng Drug Courier, Narekober sa Kalinga

Cauayan City, Isabela- Narekober ng mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Office ang nasa 77 marijuana bricks at tubular sa Sitio Anonang, Liwan West, Rizal, Kalinga.

Sa ulat ng pulisya, pasado alas-12:00 ng tanghali ng July 14, 2021 ng makatanggap ng tawag ang Rizal Municipal Police Station kaugnay sa hinihinalang ilegal na pagbiyahe ng Marijuana mula sa Hilltop, Barangay Agbannawag, Tabuk City, Kalinga patungo sa Tuguegarao City, Cagayan kung saan agad na naglatag ng checkpoints at mobile patrol sa lahat ng mga major roads.

Pasado alas-4:00 ng hapon ng matagpuan ng kapulisan ang nasa 53 piraso ng dried marijuana bricks at 24 na piraso ng tubular na nakasilid sa sako.


Samantala, tumitimbang sa humigit kumulang 65.3 kilograms ang mga narekober na iligal na droga at tinatayang nasa mahigit sa P7 milyong piso (P7,836,000.00).

Ayon kay Kalinga Police Director PCol. Davy Vicente Limmong, hindi pa natutukoy ang mga may-ari ng iligal na droga at posibleng inabandona na lamang ang droga dahil sa presensya ng mga awtoridad sa inilatag na checkpoints.

Facebook Comments