Target ng pamahalan sa na mabakunahan ang 77 milyon o 85% ng targeted eligible population sa katapusan ng Hunyo ng taong ito
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 68.5 milyong Pilipino pa lamang ang naturukan ng bakuna.
Sa kabila nito, tiwala si Vergeire na maaabot ng pamahalaan ang inaasam na vaccination turnout.
Puspusan na rin ang vaccination efforts ng gobyerno katulad ng pagsasagawa ng special vaccination day ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil mababa pa ang vaccination turnout doon.
Tinutulungan din ng Department of Health (DOH) ang ibang lugar tulad ng Quezon sa Region 4-A, gayundin ang Regions 4-B, 5, 7, at 12 para mapataas ang antas ng pagbabakuna sa mga nasabing lugar
Samantala, iniulat niya rin na nakapagbakuna ng 7,407 indibidwal sa mga itinayong vaccination sites malapit sa polling precincts noong Mayo 9.