77 NA PAARALAN SA ILOCOS REGION, UMARANGKADA NA SA LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES

Nagsimula nang nagbukas ng pinto ang 77 na paaralan sa Rehiyon Uno sa kanilang pagbabalik paaralan sa pamamagitan ng Limited face-to-face classes nito lamang ika-21 ng Pebrero.

Sa isang virtual conference, sinabi ni Department of Education (DepEd) Ilocos regional office planning officer Pedro Jose Cudal sinabi nitong nasa 20 paaralan lamang sa rehiyon ang unang sumabak sa limited face-to-face classes noong November 2021.

Sa ngayon madagdagan na ito kung saan 32 paaralan sa Ilocos Norte, 39 na paaralan sa Lalawigan ng Pangasinan at anim naman sa Ilocos Sur.

Ayon kay Cudal, pinalawak na ng ilang paaralan ang mga maaaring pumasok o expansion ng grade level, kung saan matatandaang tanging kindergarten hanggang grade 3 lang ang unang sumabak pero ngayon aniya, maaari nang pumasok ang kindergarten hanggang grade 12 depende sa kapasidad ng paaralan.

Ayon naman kay DepEd Ilocos regional office education program supervisor Johnson Sunga na validated at sumailalim ang mga paaralang ito sa standard safety assessment tool ng Alert Level 1 at 2.

Dagdag pa niya, sa kabila ng Limited- face-to-face na ito ay mayroon pa ring limitasyon kailangang sundin.

Samantala, 13 paaralan sa Pangasinan ang nag-apply na upang makasali sa nasabing limited face-to-face. | ifmnews

Facebook Comments