770 units ng bus, napagkalooban ng permit ng LTFRB para sa Undas

Umakyat na sa 770 unit ng bus ang napagkalooban ng permit ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) para maghatid-sundo sa mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya ngayong panahon ng Undas.

Ang naaprubahang units ay nakapaloob sa 276 aplikasyon ng mga bus na nais pumasada sa mga lugar na hindi nila ruta tulad ng mga Metro Manila bus.

Ayon sa LTFRB, ang special permit ay may bisa mula October 25 ngayong taon at tatagal hanggang November 10, 2024.


Ang pagkakaloob ng special permit ng LTFRB ay upang madagdagan ang mga provincial bus na magseserbisyo sa inaasahang dagsa ng pasahero sa panahon ng Undas.

Unang sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz sa mga operator ng bus upang matiyak ang ligtas na paglalakbay ng mga pasahero.

Nag-deploy din aniya ng mga tauhan ang LTFRB sa mga bus terminal upang matiyak na may kaukulang permit ang mga pampasaherong sasakyan para magsakay ng mga pasahero sa kani-kanilang destinasyon.

Facebook Comments