Muling mamahagi ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Santiago sa mga residente Na nasalanta at napinsala ng bagyo sa nakaraang taon.
Ito ay matapos magbigay ang china sa pamahalaang lokal ng santiago 777 000 pesos na tulong para sa typhoon victim sa lungod.
Ito ang ibinahaginng ipormasyon ni mayor Joseph Tan sa naging panayam ng RMN Cayayan sa kanya.
Aniya, ibinigay ito matapos silang bumisita sa Laoag City partikular sa chinese consulate upang magpasalamat at magdaos ng okasyon sa paggunita ng chinese new year.
Malaki naman ang pasasalamat nito dahil sa libreng tulong na ibinigay upang mabigyan ng suportang pinansyal ang mga residente ng Santiago lalo na sa na pagdating sa kalamidad
Karagdagan pa aniya dito ay pampapaayos na din sa amphi theatre ng Santiago sa brgy. Ambalatungan na nasira noong nagdaang mga bagyo
Samantala, anumang araw ay nakatakdang ipapamahagi na ito ng lokal na pamahalaan ng Santiago.