Friday, February 6, 2026

78-ANYOS NA LALAKI SA STA. BARBARA, INIULAT NA NAWAWALA

Iniulat na nawawala ang isang 78-anyos na lolo matapos umalis ng kanilang bahay sa Barangay Gueguesangen, Sta. Barbara, Pangasinan upang tingnan ang kanyang mga kambing at hindi na nakauwi pa hanggang sa kasalukuyan.

Kinilala ang nawawalang indibidwal na si Mauricio G. Dilinila, 78 taong gulang, binata, at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat ng kanyang kamag-anak na si Mary Lou Delinila Inong, bandang alas-dos ng hapon noong Pebrero 4, 2026, lumabas ng bahay ang matanda patungo sa palayan sa kanilang lugar ngunit hindi na ito nakabalik.

Inilarawan ang nawawalang lalaki na may taas na tinatayang 5’5” hanggang 5’6”, at huling nakitang suot ang puting Tshirt at dark blue na short pants.

Agad na inireport ang insidente sa Sta. Barbara Municipal Police Station bandang alas-kwatro ng hapon noong Pebrero 5, 2026 at iniakyat sa Pangasinan Police Provincial Office sa parehong araw.

Hinihikayat ng kapulisan ang sinumang may impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng nawawalang matanda o kung siya ay namataan sa kanilang lugar na makipag-ugnayan sa pamilya sa numerong 0931-147-5529 o sa Sta. Barbara MPS sa TOC number na 0998-598-5120.

Facebook Comments