Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umaabot na sa 78 na diplomatic protests ang naihain nila laban sa China.
Ito ay mula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang sunod-sunod na paghahain ng diplomatic protest ng DFA laban sa China ay sa harap ng patuloy na pananatili ng Chinese vessels sa mga karagatang nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Pinakahuling insidente ay ang iniulat ni Professor of Diplomacy and Military Science Carlo Schuster na 14 na Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef.
Sinasabing ang palusot ng China ay sumilong lamang ang kanilang mga barko dahil sa masamang panahon.
Pero nakita sa mga nakuhang larawan na maaliwalas naman ang panahon nang mamataan ang mga barko ng China.
Facebook Comments