Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na 78 ng kanilang rank at file employees ang na-infect ng COVID-19.
Nilinaw naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente na 29 sa naturang mga empleyado ay naka-recover na at isa na lamang ang naka-admit sa pagamutan.
44 naman aniya ang sa mga nagpositibong empleyado ang asymptomatic at mayroong mild symptoms.
Sila ay kasalukuyang nasa quarantine facilities at nagpapagaling.
Bukod dito, mayroon pa aniyang 76 na iba pang empleyado ng Immigraton ang isinailalim na rin sa isolation at home quarantine matapos matukoy na probable COVID-19 cases dahil nagkaroon ng exposure sa mga kapwa empleyadong nagkaroon ng COVID.
58 naman sa suspected COVID-19 carriers na nabigyan na ng clearance ay pinayagan na ulit makabalik sa kanilang mga trabaho habang ang 18 iba pa ay nanatiling naka-home quarantine.
Nag-isyu na rin ng direktiba ang Administrative Division ng Immigration para sa mandatory na pagsusuot ng face shields at face masks sa lahat ng opisyal at empleyado nito kapag papasok sa trabaho.
Mahigpit na ipatutupad ang ‘no-face mask at no-face shield, no-entry’ sa mga tanggapan ng Immigration.