Umabot sa tinatayang 78 kilo ng basura o 11 bag ang nakolekta sa buwanang coastal clean-up na isinagawa sa Barangay Lucap, Alaminos City.
Pinangunahan ng Alaminos City Tourism and Cultural Affairs Office (ACTCAO) ang aktibidad bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kalinisan at proteksyon ng mga baybaying bahagi ng lungsod.
Lumahok sa cleanup ang mga empleyado ng ACTCAO at CENRO, mga miyembro ng Barangay Lucap Council, La Salette School, at Hundred Islands Tour Guides Association (HITGA), na sama-samang nagsagawa ng pangangalap at pagtatapon ng basura mula sa lugar.
Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng tamang pamamahala ng basura at aktibong pakikilahok ng komunidad sa mga inisyatibang pangkalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









