78 na Positibo sa COVID-19, Naitala sa Region 2

25

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng 78 na bagong positibong kaso sa COVID-19 ang buong Lambak ng Cagayan.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa 78 new COVID-19 cases, 30 ang naitala sa probinsya sa Cagayan, 43 sa Isabela, 3 sa Santiago City at 2 sa Nueva Vizcaya.


Dahil dito, umakyat sa bilang na 316 ang aktibong kaso sa rehiyon dos.

Kasabay ng mga naitalang bagong positibong kaso, gumaling naman sa nasabing sakit ang 36 na COVID-19 Patients kung saan 8 sa Cagayan, 11 sa Isabela, isa sa Santiago City at 9 sa Nueva Vizcaya.

Aabot na ngayon sa 3, 857 ang total confirmed cases sa buong Lambak ng Cagayan at 59 ang naiulat na nasawi.

Facebook Comments