78 Public Schools, mayroon nang free WiFi para sa isinusulong na blended at flexible learning ngayong pasukan

Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mayroon na silang na-install na WiFi sa mga pampublikong paaralan sa bansa na gagamitin para sa blended at distance learning platform ng Department of Education (DepEd).

Sa joint virtual meeting ng Committees on Metro Manila Development at Education, sinabi ni DICT Undersecretary Manny Caintic na mayroon nang 78 public schools sa Metro Manila ang may free WiFi.

Sa ngayon ay hinihintay pa nila ang detalye mula sa DepEd kung kailan masisimulan ang simulation sa paggamit ng blended at hybrid learning.


Nais matiyak ng DICT na kapag nasimulan ang simulation ay matutukan at mapapalakas nila ang signal o bandwith ng internet sa mga lugar.

Inaalam na rin ng DICT kung lahat ng siyudad sa NCR ay mayroong nang programa para sa distance learning upang maging synchronize ang kanilang plano sa WiFi connectivity.

Sinabi pa ni Caintic na sinisikap nilang malatagan ng internet connectivity ang iba pang mga public schools sa bansa lalo na ang mga nasa malalayong lugar.

Facebook Comments