78% sa mga isolation facilities sa NCR, okupado na

Inihayag ng Department of Health (DOH) na 78% sa mga isolation facility at Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMF) sa National Capital Region (NCR) ang okupado.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa NCR.

Dahil dito, iginiit ni Vega na dapat magdagdag ng mga isolation facilities para sa mga mild asymptomatic COVID-19 cases.


Sinabi rin ni Vega na dumami ang natatanggap na tawag ng One Hospital Command Center para sa facility referral ng mga COVID-19 patient.

Mula sa 66 calls kada araw na sa nakalipas na tatlong linggo, umakyat ito ng halos 300 tawag kada araw.

Samantala, puno na rin ang COVID-19 wards ng ilang pribadong ospital sa urban areas partikular sa Metro Manila, Cebu, Cavite, Laguna at Batangas.

Facebook Comments