780K NA TANIMAN NG MARIJUANA SA ILOCOS SUR, SINIRA

Umabot sa 780,000 na halaga ng pananim na marijuana ang sinira ng awtoridad sa pinagsanib na operasyon ng pulisya at pdea sa Sitio Nagawa, Barangay Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur.

Nagsagawa umano ang mga ito ng validation at monitoring operation sa kabundukan ng Mt. Namintakdeg at Mt. Dapo.

Sa unang lokasyon, binunot at sinunog ang 2,000 fully grown marijuana plants na nasa 200 metro kuwadrado at nagkakahalaga ng Php400,000.

Sa pangalawang lugar, winasak naman ang 1,500 fully grown marijuana plants na sumasaklaw sa 100 metro kuwadrado, na nagkakahalaga ng Php300,000.

Bukod dito, natuklasan at winasak rin ang mga marijuana seedlings sa ikatlong lugar na umaabot sa 200 metro kuwadrado, na nagkakahalaga ng Php80,000.

Sa kabuuan, umabot sa Php780,000 ang halaga ng mga sinirang marijuana plants at seedlings.

Walang nahuling cultivators sa lugar ngunit nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad upang mahuli ang NASA likod ng mga itinanim na marijuana. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments