Nagpapatuloy ang pagsusuri ng City Accounting Office ng Dagupan City at Dagupan City Scholarship Committee ukol sa natirang mga scholars na maaaring mapabilang sa 2nd batch na makakatanggap ng nasabing grant.
May kakulangan sa mga dokumento at impormasyon ang mga estudyante para sa Scholarship kaya’t hindi sila napabilang sa 781 na mga naunang tumanggap na ng Scholarship.
Tiniyak naman ng alkalde ng lungsod dadaan pang muli sa masusing balidasyon at proseso ang mga natira pang scholars sa higit 2300 na pagkatapos makumpleto ang mga kakailanganing requirements ay magkakaroon muli ng 2nd batch ng release of grants.
Ayaw din umanong masayang ang pondo sa mga “dummy, ghost, flying at ilang violators ng old scholarship ordinance” at mas maiging mapunta ito sa mga deserving at mga kabataang Dagupeño. |ifmnews
Facebook Comments