787 TOBACCO FARMERS SA BAYAN NG MALLIG, NAKATANGGAP NG LIBRENG BIGAS

CAUAYAN CITY – Muling nagbahagi ng buwanang bigas ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa bayan ng Mallig nito lamang ika-7 ng Agosto.

Umabot sa 787 na indibidwal ang nakatanggap ng bigas na binubuo ng mga Tobacco farmers.

Ang programang ito ay may layuning matugunan ang kagutuman at kahirapang kinakaharap ng mga mamamayan sa nasabing lugar.


Ang inisyatibong ito ay pinangunahan nina Gov. Rodito Albano III at Vice Gov. Faustino “Bojie” Dy III.

Facebook Comments