Binuksan na ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) ang application ng 7,870 units ng Transport Network Vehicle Services (TNVS) upang madagdagan ang pampublikong transportasyon sa Metro Manila.
Base sa inilabas na Board Resolution No. 065, 7,870 units ang tatanggapin na application sa TNVS na mapapasailalim sa mga accredited na Transport Network Companies (TNC).
Mula sa kabuuang bilang ng slots na bubuksan, 7,000 dito ay para sa National Capital Region (NCR) habang 220 ay para sa Region III, 500 sa Region V at 150 naman sa Region VI.
Samantala, humihingi ng paumanhin ang LTFRB sa naantalang pagbubukas ng application ng TNVS na dapat ay noon pang ika-18 ng Abril pa nabuksan.
Kasunod ito ng naranasang problemang teknikal ng ahensya.
Nagpaalala naman ang ahensya na sundin ang mga sumusunod na hakbang upang mapadali ang application sa TNVS at maisaayos ang pagseserbisyo sa publiko.