79 Bagong Positibong Kaso, Naitala sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ngayong araw, Enero 29, 2021 ng pitumpu’t siyam (79) na bagong positibong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Isabela.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa pitumput siyam na bagong kaso, ang labing tatlo (13) ay naitala sa bayan ng Luna; labing dalawa (12) sa bayan ng San Mariano; at tig-labing isa (11) sa City of Ilagan at Ramon; siyam (9) sa Santiago City; lima (5) sa bayan ng San Guillermo; apat (4) sa Lungsod ng Cauayan; tig-dalawa (2) sa bayan ng Alicia, Benito Soliven at Cabagan samantalang isa ang naitala sa bayan ng Angadanan, Jones, Quirino, Reina Mercedes, San Agustin, Echague, San Mateo at Aurora.

Kasabay ng mga bagong kaso, gumaling naman sa sakit ang tatlumpu’t siyam (39) na naunang nagpositibo at ngayo’y umaabot na sa 3,652 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa probinsya.


Mula sa 4,184 na naitalang total confirmed cases sa Isabela, 461 rito ang aktibo.

Sa bilang ng aktibong kaso, dalawa (2) rito ay Returning Overseas Filipino (ROFs); sampung (10) Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); tatlumpu’t tatlo (33) na health workers; apatnapung (40) pulis at 376 na Local Transmission.

Facebook Comments