Nakakandado pa rin ang nasa 79 na bodega ng National Food Authority (NFA).
Ayon kay Agriculture Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, ito ay habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa umanoy anomalya sa ahensya.
Dalawampu naman sa mga bodega aniya ay malapit nang magbukas matapos na bawiin mg Ombudsman ang suspensyon sa higit dalawampung tauhan ng NFA.
Partikular dito ang mga warehouse sa Cagayan Valley, Western Visayas, at Metro Manila.
Sa kabuuan ay 169 na bodega ng NFA ang aktibo.
Sinabi ni De Mesa na may direktiba na si Sec. Francisco Laurel Jr., na agad buksan ang mga saradong bodega sa oras na mapalitan ang mga suspendidong bodegero.
Facebook Comments