793,000 doses ng AstraZeneca vaccine na donasyon ng Germany, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang 793,000 doses ng AstraZeneca na donasyon ng Germany sa Pilipinas.

Kabilang sa mga sumalubong sa pagdating ng bakuna sina Victor Sepulveda ng AstraZeneca Philippines, Dr. Rabindra Abeyasinghe ng World Health Organization (WHO), Sec. Carlito Galvez at mga kinatawan mula sa Department of Health (DOH) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Sumalubong din si German Ambassador to the Philippines Anke Reiffenstuel at UNICEF Deputy Representative Noubary Behzad.


Bukas, November 10, 2021, dadating din ang 3,000,000 doses ng Sinovac vaccines na binili ng gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Asian Development Bank.

Facebook Comments