79,833 bata sa ARMM, nakapag-enrol sa Child Development Centers!

Ang Child Development Centers (CDCs) na nasa mga kabayanan sa ARMM ay nagsasagawa ng mga aktibidad at supplementary feeding program (SFP) upang mapainam ang kanilang physical, social at mental growth.

Samantalang ang undernourished children na hindi nakapag-enrol sa CDCs ay nakakatamasa din sa supplementary feeding program sa pamamagitan ng “Supervised Neighborhood Play” na inoorganisa sa mga kabarangayan at mga sitio.

Ang naturang mga programa ay sa ilalim ng Child & Youth Welfare Program (CYWP) ng DSWD-ARMM at kinabibilangan ng iba’t-ibang preventive at rehabilitative programs, services at activities para sa mga bata.


Ang ahensya sa pakikipagtulungan ng UNICEF, Community and Family Services International (CFSI) at Plan International ay nagtutulong-tulong upang masiguro ang kapakanan ng mga bata sa ARMM higit lalo sa conflict affected areas.

Facebook Comments