7K pasahero stranded sa Matnog Port sa Sorsogon

Libu-libong pasahero na patawid ng Visayas at Mindanao ang na-stranded sa Matnog Port sa Sorsogon matapos suspendihin ang mga biyahe sa pantalan dahil sa masamang panahon na dala ng bagyong Ursula.

Sa datos ng Philippine Ports Authority (PPA), nasa 7,000 na pasahero at higit 1,000 na sasakyan ang stranded.

Hindi pa rito kasama sa bilang ang mga na-hold na bus at trak papuntang Matnog mula Sorsogon City, Casiguran, Juban at Irosin.


Aminado ang PPA na sa oras na maibalik sa normal ang biyahe, prayoridad nilang paunahin sa biyahe ang mga bus at light cars at ang may mga kargang nabubulok o perishable goods para hindi maipon sa pantalan ang volume ng mga tao.

Facebook Comments