Lalo pang bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong December 2022.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat sa 8.1 percent ang inflation rate noong nakaraang buwan na mas mataas sa 8.0 percent na naitala noong Nobyembre.
Mas mataas din ito sa 3.1 percent na naitala noong December 2021.
Ito na ang pinakamabilis na inflation rate simula noong November 2008 kung saan nakapatala ng 9.1 percent.
Ayon kay PSA Undersecretary at National Statistician Dennis Mapa, ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Disyembre ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages na nasa 10.2 percent inflation at 38.9% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.
Pangalawa naman sa nakapag-ambag ng mas mataas na inflation noong nakaraang buwan ay ang restaurants and accomodation services at pangatlo ang housing, water, electricity, gas and other fuels.