5 pang Pinay na biktima ng human trafficking, nakauwi na ng bansa

Nakauwi na ng bansa ang lima pang Pilipinong biktima ng human trafficking sa Malaysia.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), nakulong muna ng tatlong buwan sa Malaysia ang lima dahil sa pagiging undocumented overseas workers.

Nabatid na sila ay pinangakuan ng nag-recruit sa kanila sa pamamagitan ng Facebook post na ipapasok bilang mga waitress.


Ayon pa sa BI, isinakay ang mga biktima sa bangka patungong Kota Kinabalu mula Zamboanga para makaiwas sa Immigration inspection.

Hindi rin anila binusisi ang passports ng mga ito nang umalis sila ng Mindanao.

Facebook Comments