8-anyos na batang babae, pinaluhod sa baga ng sariling nanay

Kaawa-awa ang sinapit ng 8 taong gulang na batang babae sa mismong kamay ng sariling ina sa bayan ng Tukaran, Zamboanga del Sur.

Pinaluhod ng nanay ang kanyang anak sa baga ng apoy matapos umuwi ng maaga sa bahay at umano’y hindi tinapos ang klase.

Puno ng sugat at nalapnos ang tuhod ng biktima.

Salaysay ng bata, nagalit ang ilaw ng tahanan nung makitang basang-basa siya at nakarating agad sa bahay.

Inutusan itong bumalik sa paaralan upang kunin ang naiwang gamit at nung walang nabitbit pauwi, sinimulan na siyang paluin at paluhurin sa baga.

Ilang araw hindi nakapasok sa eskuwelahan ang musmos na ipinagtaka ng kanyang mga guro at principal.

Nadiskubre nila ang kalunos-lunos na pangyayari matapos bisitahin ang bata.

Agad pinatawag ng municipal social welfare office ang nanay at sinabi nitong hindi na uulitin ang pananakit sa bata.

Sa ngayon, nasa pangangalaga ng lolo ang batang nagpapagaling.

Facebook Comments