8-anyos, patay nang mahulog habang nakasabit sa umaandar na van

661

Nasawi ang isang batang lalaki nang mahulog matapos sumabit sa umaandar na sasakyan noong Linggo ng hapon, Enero 19, sa Biñan, Laguna.

Ayon sa ulat, sumabit sa van ang biktimang si Christian Gubatana habang hinahabol umano ng bisikleta ng kanyang kalaro.


Nakuhanan ng CCTV sa Baragay Canlalay ang insidente kung saan sinasabing mapapanood ang pagkalaglag ng biktima.

Sa kuha ng footage, mapapanood daw na biglang tumalon si Gubatana habang umaandar ang van at mukhang nawalan daw ito ng balanse kaya napuruhan ang kanyang ulo at nabagok.

Naisugod pa umano sa ospital ang bata sa tulong nang napadaang motorista na agad rumisponde sa nangyari.

Nang maidala sa ospital ay binawian ito ng buhay dahil umano nagkaroong nang pagdurugo sa loob ng ulo.

Samantala, hindi raw sasampahan ng kaso ang drayber ng sasakyan dahil aksidente ang nangyari.

Gayon pa man, patuloy na pinaghahanap ang tsuper ng van upang makipag-ugnayan para makatulong sa pagpapalibing ng bata.

Facebook Comments
From Advertisers