Nasamsam ang kabuuang walong armas at nadakip ang limang suspek sa magkakahiwalay na operasyon ng Police Regional Office (PRO) 1 laban sa loose firearms mula Nobyembre 13 hanggang 19, 2025.
Nagsagawa ang PRO 1 ng limang operasyon, kabilang ang isang Oplan Bakal/Sita, tatlong police response operations, at isang buy-bust operation, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng limang armas.
Dalawa ring firearms ang boluntaryong isinuko, habang isa ang idineposito para sa safekeeping.
Naisampa na sa korte ang mga kaukulang kaso laban sa limang nadakip na suspek.
Tiniyak naman ng PRO 1 na magpapatuloy ang kanilang kampanya kontra loose firearms upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa mga komunidad sa Rehiyon 1.
Facebook Comments









