8 BAHAY, KABILANG ANG ISANG KAPILYA SA CAUAYAN CITY, NA DEMOLISH

Higit sa apat na pamilya kabilang ang isang kapilya sa Purok 1, Nungnungan 2, Cauayan City, Isabela ang naapektuhan ngayon matapos ang patuloy na isinasagawang demolisyon sa kanilang mga kabahayan.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Aidalyn Lejano, isa sa nag mamay-ari ng ginibang bahay, mula pa umano nang taong 1970 ay doon na sila nanirahan.

Kung kaya’y laking gulat umano nito ng makalipas ang ilang dekada ay biglang may darating upang angkinin ang kanilang lupa gayong may hawak naman umano silang lehitimong titulo na nakapangalan mismo sakaniyang mga magulang.

Samantala, ayon naman kay Ex-Kagawad Efron Baylon, matagal na umano nitong nakuha ang nasabing lupa noon pang taong 2013 na kung saan nakapangalan naman ang titulo sa kaniyang asawa.

Bilang pampalubag loob, nag alok umano si Ginoong Baylon ng halagang P400,000 sa walong (8) pamilya na tinanggihan naman nina Ginang Lejano.

Matapos umano ang matagal na panunuyo ay nagdesisyon na si Ginoong Baylon na humingi ng tulong sa Korte na kung saan inisyu na nga ang nasabing demolisyon.

Kaugnay nito, nakiusap naman umano si Ginang Lejano ng kaunting oras dahil mag papasko, at bagong taon na ngunit hindi umano sila pinakinggan.

Kung kaya’y, bagaman nasira na umano ang kanilang tahanan ay hindi parin sila aalis sa kanilang kinatatayuan at ipagpapatuloy umano nilang ipaglalaban ang nasabing lupain na minana pa nila mula sa kanilang yumaong ina.

Facebook Comments