8 bahay, natupok sa sunog sa Marikina

Marikina City – Aabot sa 15 pamilya ang nawalan ng bahay matapos matupok sa apoy sa Barangay Tumana, Marikina City.

Ayon kay Fire Inspector Jose Pribaldo, chief of operations ng Bureau of Fire Protection-Marikina, nagsimula ang sunog alas-8:34 ng gabi sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Reynaldo Araja.

Umabot ito sa ikalawang alarma at naapula alas-9:04 ng gabi.


Sabi ni Pribaldo, mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente habang patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.

Facebook Comments