8 Barangay lamang sa Tagaytay city ang sakop ng mandatory evacuation, ayon sa DILG

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walong Barangay lamang at hindi ang buong Tagaytay City ang sakop ng kautusan hinggil sa mandatory evacuation.

Kabilang sa mga Barangay ay ang: Bagong Tubig, Kaybagal South (Pob)., Maharlika West, Sambong, San Jose, Silang Junction South, Maharlika East, at Tolentino East

Ayon kay DILG undersecretary at spokesman Jonathan Malaya, ang naturang mga Barangay ay namapa ng PHIVOLCS na malaki ang tsansang maapektuhan ng Base Surge at Volcanic Tsunami.


Pero ang mga nasa mataas na bahagi ng ridge au malayo nang maapektuhan ng Base Surge at Volcanic Tsunami.

Gayunman, idedetermina muna ng Tagaytay City LGU kung mga establisimyentong pangkalakal na nasa ridge na pwedeng payagang makapag-operate.

Mungkahi ng DILG, Dapat balikan ng Tagaytay LGU ang kanilang hazard map upang maging gabay ng mga gustong mag-bukas ng negosyo sa lungsod.

Facebook Comments