8 Barangay sa City of Ilagan, Idineklarang “Drug Cleared” ng PDEA Region 2

17

Cauayan City, Isabela- Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 ang walong (8) barangay sa City of Ilagan bilang ‘drug cleared’ matapos maipasa ang masusing evaluation na ginawa ng Regional Oversight Committee ng ahensya.

Mismong si PDEA Region 2 Regional Director Joel Plaza ang naggawad ng drug cleared certification sa mga kapitan ng barangay.

Kinabibilangan ito ng mga barangay Malalam, Rugao, Sta. Isabel Sur, San isidro, Guinatan, Alinguigan 1st, Fugu at Baligatan.


Personal na dinaluhan ni City Councilor Jayve Diaz at kasama sa mga tumanggap ng sertipikasyon para sa mga nabanggit na barangay.

Hinimok naman ng PNP ang komunidad na makipagtulungan sa kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Facebook Comments