8 BARANGAY SA JONES, NABIGYAN NG RENEWABLE ENERGY

CAUAYAN CITY – Napagkalooban ng solar panel ang 8 barangay sa bayan ng Jones, Isabela.

Ito ay sa ilalim ng renewable energy program ng MAPUA University na siyang nanguna sa nasabing programa.

Layunin ng kanilang programa na bigyan ng pangmatagalang mapagkukunan ng enerhiya ang bawat komunidad sa bayan ng Jones at upang mapababa rin ang kanilang gastos sa kuryente.


Kabilang sa naging benepisyaryo ay ang mga barangay Napaliong, Minuri, Sto. Domingo, Namnama, Villa Bello, Dicamay 1, Dicamay 2, at Sta. Isabel.

Sa tulong ng mga solar panels, magkakaroon na sila ng sapat na power supply upang magamit ang mga computers, printers, fans, lighting, at mobile charging stations kung saan ay mas magiging produktibo at mas maayos ang serbisyong maibibigay ng kanilang barangay sa mga mamamayan.

Katuwang ng pamantasan ng MAPUA ang 86th Infantry “Highlander” Battalion, at Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa naturang aktibidad.

Facebook Comments