Aabot lang sa walo mula sa 159,612 na mga batang edad lima hanggang 11 ang nakaranas ng adverse effect pagkatapos mabakunahan kontra COVID-19
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, kabilang sa mga naitalang side effects ay ang pamamantal sa mga paa at kamay, makating lalamunan, pagsusuka, at pananakit sa lugar kung saan tinurukan.
Aniya, binigyan naman ng mga alituntunin at payo ang mga magulang at guardian kung paano matutugunan ang mga adverse effect ng bakuna.
Tiniyak naman ng DOH na sapat ang supply ng bakuna na nakalaan sa mga bata at mayroon pang 780,000 doses ang nakatakdang dumating bukas, Feb. 16.
Nauna nang nagsimula ang pagbabakuna sa nasabing age group noong Pebrero 7 at inumpisahang palawigin sa buong bansa kahapon.
Facebook Comments