Kabuuang 2,150 na Filipino repatriates ang dadating sa bansa ngayong araw sakay ng 8 flights.
Unang dumating ng alas-9:00 ng umaga kanina ang 300 repatriates mula UAE via Philippine Airlines flight PR659.
Alas-11:30 naman ngayong umaga ang dating ng 250 repatriates mula Bahrain via Gulf Air flight GF154.
Alas-2:00 naman mamayang hapon ang arrival ng 300 repatriates mula Riyadh via Saudia Airline flight SV862.
250 OFWs din mula Abu Dhabi via Etihad Airlines flight EY424 ang darating din mamayang alas dos ng hapon.
Alas-4:00 naman mamayang hapon darating ang 250 repatriates mula Dubai via Emirates Airlines flight EK332.
Alas-4:35 naman ng hapon darating mamaya ang 250 Pinoy repatriates mula Qatar via Qatar Airways flight QR932.
Habang 300 repatriates mula Tokyo via Philippine Airlines flight PR427 ang darating naman mamayang alas-5:00 ng hapon.
At ang huling batch na 250 OFWs mula Korea via Korean Airlines flight KE623 ay darating mamayang pasado alas-10:00 ng gabi.
Sa nakalipas na buwan ng Nobyembre, mahigit 40,000 OFWs na ang napauwi ng pamahalaan sa Pilipinas.