8 Bayan sa Cagayan Valley, Nakategorya sa “Critical Risk Epidemic”-DOH

Cauayan City, Isabela- Isinailalim ng Department of Health (DOH) region 2 sa ‘critical risk’ epidemic classification ang walong bayan sa Isabela at Nueva Vizcaya, batay sa pinakahuling datos nitong Setyembre 8, 2021.

Ayon sa DOH, ang mga nabanggit na lugar ay nasa kategorya ng ‘critical’ matapos makapagtala ang mga ito ng mataas na “growth change rate” sa kanilang mga aktibong kaso ng COVID-19.

Sa Isabela, naitala ng ilang bayan ang mataas na growth change ng critical risk epidemic na kinabibilangan ng Santiago City (219.30%); Ramon (366.77%); Naguilian (217.65%); San Mariano (417.75%); Burgos (343.75%); at San Guillermo (500%).


Nakapagtala naman ng 650% growth change ang Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya samantalang 420% naman ang naitala ng Nagtipunan, Quirino.

Gayunman, nilinaw ng DOH na ang mga bayang nasa critical epidemic risk classification ay hindi nangangahulugan na sila ang may pinakamataas na kaso ng mga positibo sa virus sa buong rehiyon.

Facebook Comments