8 BIFF nagbalik loob sa Militar sa Maguindanao

Ayon kay 6th Infantry Division spokesperson Lt. Col. Dingdong Atilano, ang pagsuko ng naturang BIFF members ay naging posible sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng tropa ng 57th Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Jonathan Codanera katuwang ang pamahalaang lokal ng Datu Saudi, Ampatuan, Maguindanao sa pamumuno ni Mayor Resty Sindatok.
Kasama ding isinuko ng walo ang ilang mga baril at pampasabog na kinabibilangan ng tatlong M16 rifle, M14, CARBINE rifle, dalawang cal. 30 Garand rifle, dalawang homemade Rocket-Propelled Grenades, homemade 7.62 Mauser rifle at isang M79 grenade launcher.
Agad naman iprinisenta ang mga sumukong BIFF at ang mga nabanggit na isinuko din nila kay JTF Central Commander/6th Infantry Division Commander Maj. Gen. Diosdado Carreon sa 6th Infantry Division Headquarters, Awang, DOS, Maguindanao dagdag pa ni Col. Atilano.
Sinabi pa ni Col. Atillano na noon Biyernes ay 10 mga BIFF member din ang sumuko sa Pagalungan, Maguindanao. Pito sa mga sumuko ay galing sa BIFF-Karialan faction at tatlo naman ang mula sa Bungos faction.
Mula Enero 2020 abot na sa mahigit kumulang 98 na BIFF members na ang sumuko sa militar ayon kay kay Col. Atilano. Ang sunod-sunod na pagsuko ng mga kasapi ng BIFF ay dahil sa rin sa mga pagsisikap ng Local Government Units. Malaki ang kontribusyon ng LGUs sa pagsuko ng mga ito ayon kay Col. Atilano.
Dagdag pa dito ang panghihikayat din ng mga nauna nang sumuko na nakatamasa na ng mga programa ng gobyerno sa kanilang mga dating kasamahan na sumuko na rin.(DMR)
CMO PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments