Nanindigan si House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na hindi dapat tuluyang ipagbawal ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Reaksyon ito Salceda sa rekomendasyon ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Senator Sherwin Gatchalian na agarang ihinto ang operasyon ng POGO sa Pilipinas.
Iminungkahi naman ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Sen. Ronald Dela Rosa na gawing unti-unti ang pagpapatigil sa mga POGO.
Babala ni Salceda, aabot sa 8-bilyong piso ang mawawala sa koleksyon ng gobyerno sa oras na mag-alsa balutan at lumayas sa bansa ang POGO.
Sabi ni Salceda, Maliban pa ito sa P192 billion na gross value-added loss sa real estate, labor, ancillary cost at iba pang serbisyo at industriya na may kaugnayan sa pagpapatakbo ng POGO.
Diin ni Salceda, walang legal na basehan ang diskriminasyon sa POGO industry dahil sa mga paglabag ng ilang mga negosyong nabibilang dito.