Manila, Philippines – Walong bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan para sa libreng matrikula sa mga State Universities and Colleges.
Sa briefing sa malakanyang sinabi ni CHED Commissioner Prospero De Vera – na ngayong may sapat nang pondo para dito at umaasa silang mapapalakas ang implementasyon ng nasabing programa.
Sa datos ng CHED – aabot sa 113 SUCs sa bansa ang libre na ang tuition sa darating na 2017 – 2018 school year.
Bukod dito, aprubado na rin ang pondo para sa Students Financial Assistance Program kung saan makakatanggap ng limang libong pisong allowance ang mga mag-aaral sa Eastern Visayas na naapektuhan ng bagyong Yolanda.
Kamakailan – inanunsyo din ng CHED na libre na ang tuition ang mga medical student sa walong SUCs sa bansa.