8 Chinese nationals, arestado sa online scamming sa Cavite

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong Chinese nationals sa Bacoor City, Cavite.

Ito ay kaugnay ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 in relation to Financial Accounts Scamming Act.

Kinilala ang mga naarestong Chinese nationals bilang sina:
Chen Xing He, Liu Yong Chang, Tang Lao Ya, Xiao Long, Xiao Liu a.k.a. “Li Tin Yang”, Liang Yaocai a.k.a. “Xiao Wen”, Li Xiang, at Xiao Kai.

Ayon sa NBI, nakatanggap sila ng ulat hinggil sa illegal online activities ng mga dayuhan kaya agad nilang isinagawa ang operasyon.

Nabawi rin mula sa kanila ang ilang computer devices at iba’t ibang cellular phones.

Facebook Comments