
Inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa walong ‘cong-tractors’ kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Kabilang sa pinakakasuhan ng ICI sina dating Cong. Elizaldy Co, Representatives Edwin Gardiola, James Ang Jr., Agustina Pancho, Joseph Lara, at Noel Rivera.
Sa binasang statement ni ICI Chairman Andres Reyes Jr., sinabi nito na ang walong mga mambabatas ay nagma-may-ari ng construction companies at nakakuha ng kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Tiniyak din ni Reyes na may mga ilalabas pa silang mga pangalan sa mga susunod na araw.
Facebook Comments









