8 counts ng murder cases, isinampa ng NBI laban sa 22 na tauhan ng NCRPO kaugnay sa umano’y kaduda-dudang pagkamatay ng mga high profile inmate

Inirekomenda na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pormal na pagsasampa ng eight counts ng kasong murder sa Department of Justice (DOJ) laban sa 22 security at medical personnel ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) kaugnay sa kaduda-duda umanong pagkasawi ng ilang high profile inmates sa New Bilibid Prison.

Mula kasi noong Mayo hanggang Hulyo 2020 ay mayroong walong high-profile inmates ang nasawi sa New Bilibid Prison.

Kasamang nasawi rito ang convicted drug lord na si Amin Boratong at Jaybee Sebastian.


Kasama rin dito ang ilang drug lords na sina Francis Go, Shuli Lim Zhang, Jimmy Ang, Eugene Chua, Benajamin Marcelo, Sherwin Sanchez at Willy Yang.

Ayon sa NBI, kabilang sa kanilang mga ebidensya ay ang mga testimoniya mula sa ilang witnesses at ang inconsistencies ng mga records ng Bureau of Corrections (BuCor), NCRPO at New Bilibid Prison.

Ipinauubaya na ng NBI sa mga prosecutor ng DOJ ang pagdetermina sa ebidensiya na kanilang nakalap.

Facebook Comments