Surigao del Norte – Inihayag ni Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na mahigpit ang kanyang direktiba na higpitan ang pagmonitor sa lahat ng mga borders na posibleng makapuslit ng mga oil smuggling sa bansa.
Ito ay matapos na makasabat ang mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ng 8 drums ng smuggled oil sa Taganito Special Economic Zone, Claver, Surigao del Norte.
Ayon kay Guerrero, isang anonymous informant ang tumawag sa 8888 Citizens’ Complaint Hotline na ipinarating sa BOC-CARES ang kauna-unang natanggap na reklamo na hinahawakan ng Bureau’s hotline.
Inireport ng tipster na 8 smuggled blue color drums na may lamang pinaghihinalaang palm oil ay ipalalabas sakay ng barko mula sa Taganito HPAL Nickel Corporation, Taganito Special Economic Zone sa Claver, Surigao del Norte.
Agad na ipinarating sa District Collector ng Surigao, Ciriaco at bumuo ng Team si Joseph Romano, Supervisor of CIIS ng Port of Surigao upang imonitor at magsagawa ng inspeksyon sa Taganito Economic Zone.
Napag-alaman sa initial investigation na ang 8 drums ay pinalabas mula sa MT Southern Narwhal nitong nakaraang January 13, 2019 at natuklasan na ang 8 drums ay hindi nakadeklara sa cargo.
Paglabag sa Section 113 ng Customs Modernization and Tariff Act ang isinampa ng BOC laban sa mga nagpalusot ng iligal na kargamento.