Binati ng Department of Social WElfare and Development ang graduates ng Mindanao State University – Maguindanao na mga iskolar ng Enhanced Implementing Guidelines for the Expanded Students’ Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA).
Ang ESGP-PA ay scholarship program para sa mga karapar-dapat na estudyante na napapabilang sa indigent household sa ilalim ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR)
Ang mga ito ay tinukoy ng DSWD sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ang mga matagumpay na nagtapos na mga iskolar ay sina Alvin Lois Pembarat (Magna Cum Laude), Yasmen Guia (Cum Laude), Saud Kamad (Cum Laude), Assiya Mamintal (Cum Laude), Babaylyn Ortiso (Cum Laude), Ryanel Francisco (Cum Laude), Saadiya Dibalaten (Cum laude Octoberian) at Rahima Meto (Cum Laude).
Sa kabuuan ay mayroong 665 ESGP-PA graduates sa iba’t-ibang State Universities and Colleges sa buong ARMM para sa SY 2017-2018.
8 ESGP-PA schoolars, nagtapos sa MSU-Maguindanao!
Facebook Comments