8 foreign nationals, napatay sa bakbakan sa Marawi City

Marawi City, Philippines – Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na 8 foreign nationals na pawang mga miyembro ng ISIS ang kabilang sa mga nakipagbakbakan sa laban sa militar sa Marawi City.

Sinabi ni Lorenzana, ang 8 ay kabilang sa mga napatay sa bakbakan at dalawa sa mga ito ay pawang mga Saudi Nationals, dalawa din aniya ang Malaysian at dalawa ang Indonesians habang ang iba ay Yemeni at Chechniya.

Nakapasok aniya ang mga ito sa bansa sa iligal na proseso o gumamit ng backdoor.


Samantala, inihayag naman ni Lorenzana na hindi madali para sa militar na pasukin ang stronghold ng terorista sa Marawi dahil sa mga snipers at dahil na rin nakatago ang mga ito sa isang reinforced building.

Tiniyak naman ni Lorenzana na bubuhusan pa ng militar ng puwersa ang lugar para mabawi na ang Marawi City mula sa Maute.
DZXL558

Facebook Comments