
Umpisa na ngayong araw ang walong oras na duty ng mga kawani ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III, epektibo ito sa mga tinaguriang ‘cities that never sleep’ tulad ng Metro Manila.
Sinabi ni Torre na tao din naman ang mga pulis at ang 12 oras na duty araw-araw ay sobra-sobra sa umiiral na labor rules.
Pero sinabi ni Torre na ang walong oras na duty ng mga pulis ay dapat walang mga nakaupo, nagce-cellphone, nagliliwaliw, at patulog-tulog na mga pulis.
Una nang ipinatupad ang 8 hours duty ng mga pulis noong si Torre pa ang district director ng Quezon City Police District (QCPD).
Facebook Comments









