8 iba pang NGOs, barangay-based at Kaligkasan volunteers, lumagda ng isang kasunduan sa Pasig City

Lumagda sa isang kasunduan ang 8 iba pang non-government organizations (NGOs), kasama ang Pasig City Police Station sa kanilang Anti-Crime Advocacy sa Bagong Ilog Covered Court, Pasig City.

Ang mga NGO na lumagda ng Memorandum of Understanding para labanan ang kriminalidad at terorismo sa Pasig City ay ang mga sumusunod:

• Brigade II Guardians
• Metro Riders Club
• Riders Safety
• Advocates of the Philippines Pasig Chapter
• Police Hotline Movement Inc.
• FCCW-STF
• Pasigueño Riders Club
• Eagles Force Multiplier Organization, Inc.


Layon ng Memorandum of Understanding upang maging mapagtibay ang samahan sa pagitan ng Pasig City Police Station, NGO at barangay para labanan ang kriminalidad, iligal na droga at terorismo sa Pasig City.

Nakapaloob sa Memorandum of Understanding na tutulong sila sa Philippine National Police sa kanilang Anti-Crime Advocacy sa Pasig City, kung saan pareho silang makipag-ugnayan, palitan ng pananaw, impormasyon at suportahan ang kanilang programa kung saan pagtutuunan nila ng pansin ang pangangailangan ng publiko at komunidad.

Napagkasunduan din sa MOU na magsasama sila sa operation, magtutulungan sa isa’t isa gaya ng Crime Prevention and Drug Awareness Symposium, traffic management, direction and control, motorist assistance, first aid and rescue operation, promote courtesy to all motorist, charity program, BARANGAYanihan Program at clean up drive activity.

Facebook Comments