Friday, January 16, 2026

8 indibidwal, arestado kaugnay ng ilegal na pagmimina sa Camarines Norte

Sa pinagsanib pwersang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP), naaresto ang 8 indibidwal kaugnay ng ilegal na pagmimina sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Sa nasabing operasyon, naaktuhan ng mga operatiba ang 8 akusado na aktibong nagsasagawa ng ilegal na pagmimina ng walang kaukulang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Mines and Geosciences Bureau (MGB).

Narekober sa mga suspek ang ilang piraso ng mga equipment at materyal na ginagamit sa nasabing ilegal na operasyon kabilang rito ang 2 air compressors, tinatayang 50 toneladang hinihinalang gold ore, isang generator set, centrifugal pressure fan, at isang capacitor start motor.

Agad naman dinala ang mga nasabing akusado sa kustodiya ng pulisya para iturn over sa local police sa tamang disposisyon nito.

Habang ang mga nakumpiskang ebidensya naman ay nananatiling nasa kustodiya naman ng NBI.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7942, o ang Philippine Mining Act of 1995, pati na rin ang Republic Act No. 7076, kung saan nireregulate nito ang mga small-scale mining activities.

Facebook Comments